Dear Family,

For my family, Gusto ko lang magpasalamat kasi binigyan ako ni God ng pamilyang katulad nyo, katulad ng mahalin, alagaan, intindihin, at habaan ang pasensya sa akin, sobrang blessed ko. At sana, Huwag nyong pagurin yung mga sarili ninyo at alagaan nyo yung kalusugan nyong lahat, kasi ayoko ng mawalan pa ng minamahal sa buhay, kasi sobrang sakit na mawalan ng mahal sa buhay. Salamat sa lahat ng sakripisyo at suporta sa akin. Pagpasensyahan nyo na po ako kung kahit malaki na ako ay pasaway pa rin ako, Sorry po sa lahat ng mali na nagawa ko sa inyo. At sana humaba pa yung buhay nyo para makasama ko pa kayo ng matagal, Yung lang, Love you all!.

Dear Self,

For my Self, Gusto ko sabihin sayo na bawas-bawasan mong maging mahiyain, alam ko na maoovercome mo rin nyan tiwala lang! And thank you kasi kahit papaano may natutunan sayo, isa na dun ang kapag inuutusan ka, kaya mo ng lumabas mag-isa ayieee! Alam ko na wala kang tiwala sa sarili ko, at dapat kailangan mong pagkatiwalaan ang sarili mo kasi ikaw lang din ang makakatulong sa sarili mo at lahat ng nasa paligid mo iiwan at iiwan ka rin nyan, at huwag mo ring kakalimutan si God, kasi sya lang ang makakatulong sayo sa mga problems,struggles and depression. Put God in the center of your life and be thankful, At patuloy ka lang lumaban sa anong mang hamon sa buhay. love you self.

Dear Someone,

For my someone, Gusto ko lang sabihin sayo na salamat sa kilig, ayieee! Kahit na sa picture lang kita nakikita tsaka sa video, hindi naman masamang maging isang fangirl mo kasi wala naman akong tinatapakan na tao, at kahit sa pagtog ko, ikaw lang yung naiisip ko ayieee! Di ko alam kung bakit, And kahit nasa malayo ka man, dama ko yung prisensya through pictures and videos. At kahit fan mo lang ako, I’ll be here to support you until the end. Sarangheo Oppa!.